-Dr. Jose Rizal
Filipino ang ating wikang pambansa, ito ang siyang nagsisilbing puso at kaluluwa ng ating bansang sinilangan at ito rin ang pinaka-importanteng pagkakakilanlan ng mga kapwa nating Pilipino. Tayo ay pinagkaka-isa at pinagbubuklod ng ating sariling wika at dahil dito, tayo ay nagkaka-unawaan.
Ako’y sadyang namamangha at nasisiyahan kapag nakakakita ng mga babasahing ang wikang ginamit ay Filipino at nakaririnig ng mga taong matataas managalog dahil sa panahon ngayon, iilan na lamang ang gumagamit nito. Napakaganda ng ating wika at kultura, mayaman sa mga salita at pagkakahulugan na maaari nating maipagmalaki sa buong mundo. Ang wikang Filipino ay tunay ngang siyang puso at kaluluwa ng Pilipinas sapagkat ito ang nagsisilbing tulay upang mapagbuklod-buklod ang bawat mamamayan na nakatira sa mga hiwa-hiwalay na isla ng ating bansa. Kung walang wika, paano tayo magkakaintindihan?
Pagyamanin at payabungin ang wikang ating kinagisnan dahil masasalamin dito ang mayamang kultura at pinagmulan ng bawat mamamayang Pilipino. Tangkilikin ang sariling atin at huwag natin itong ikahiya bagkus ay ipakita ito at ipagmalaki saan mang lugar sa daigdig ka mapadpad. Ang Wikang Filipino ay ang kaluluwa at puso ng bansang maka-Pilipino!
References:
No comments:
Post a Comment